Jul 22, 2010

Photo Of the Day: Control


Likas sa tubig ang umagos. Sa ilog, kahit gaano karaming mga bato ang humarang, maghahanap at maghahanap ito ng paraan para dumaan. Pero kahit ganun, may paraan din tayo na kontrolin ito. Kagaya na lang sa nakikita sa larawan.

Gayundin sa ating nararamdaman. Natural lang ang magalit, umiyak, mainlove, magselos, kahit na anong emosyon. Katulad ng tubig kaya nating kontrolin ito. Huwag lang hayaan kontrolin tayo ng emosyon.

No comments:

Post a Comment