Jul 22, 2010

In the eye of a child


Eto si Santino Gabriel Peacita o mas kilala sa tawag na tinoy. We named him after sa sikat na character sa tv program ng ABS-CBN na "May Bukas Pa". Anak ko or should I say ampon ng buong pamilya namin. One year and 4 months old. Nakakatuwang bata, hindi maingay, hindi mahirap alagaan..mahirap lang maghanap ng pambili ng gatas. Paborito nya ang saging, puto, at isda. I don't have a family of my own yet pero dahil sa kanya alam ko na ang pakiramdam ng isang nanay.

Sa likod ng kanyang ngiti ay isang malungkot na katotohanan. Hindi kasi sya kilala ng nanay nya. Nagkastroke ang nanay nito. Inoperahan sa ulo dahil nagkablood clot nang tumama ang ulo sa sahig kaya hindi nya matandaan na may anak sya. Di rin kasi to makapagsalita ng maayos. Si tinoy, anak ng pinsan kong lalaki. May apat pa kasi syang mga anak na halos maliliit pa kaya kami ang nagkupkop kay tinoy. Nakakawala nga talaga ng pagod everytime na umuwi ka ng bahay galing sa trabaho at madadatnan mo sya. So soft to hug and he would even return it with a kiss. Sa mga mata ni tinoy nagiging bata rin ako....

No comments:

Post a Comment